Hindi bababa sa 95 katao ang kumpirmadong nasawi habang nasa 130 ang nasugatan matapos tumama ang isang malakas na lindol sa isang liblib na rehiyon ng bulubundukin ng Tibet malapit sa Mount Everest.

Ang lindol, na tumama sa Tibet’s holy Shigatse City nitong umaga, ay may taglay na magnitude 7.1 at may lalim na 10 kilometro ayon sa data mula sa US Geological Survey nagpakita rin ng sunod-sunod na aftershocks sa lugar.

Bukod dito naramdaman din ang pagyanig sa Nepal at ilang bahagi ng India, na kalapit naman ng Tibet.

--Ads--