Hindi bababa sa 93 ang nasawi matapos ang muling paglunsad ng Israel ng air strike sa Beit Lahia, sa northern Gaza.

Ayon sa mga rescuer na isang 5-storey residential building ang natamaan mula sa pag-atake.

Ginagamot naman ang mga bata sa Kamal Adwan hospital sa Jabalia, Hussam Abu Safia subalit nahihirapan ang ospital na magbigay ng lunas ang mga pasyente dahil sa kakulangan ng staff at medisina.

--Ads--

Tanging first aid materials na lamang ang natira sa ospital matapos hulihin ng mga militar ang kanilang medical team at workers.

Sa ngayon ay wala pang pahayag o komento ang Israeli Military kaugnay nito.

Matatandaan na nagsasagawa ng operasyon ang Israel Defense Forces sa nakalipas na dalawang linggo partikular na sa lugar ng Jabalia, Beit Lahia, at Beit Hanoun.