Hindi bababa sa 90 nasawi sa Southeastern US, matapos tumama ang Hurricane Helene na siyang nagdulot din ng pagkawala ng kuryente, pagkawasak ng mga kalsada at tulay at nagdulot ng matinding pagbaha mula Florida hanggang Virginia.

Ang hangin, ulan at storm surge ng bagyo ay pumatay ng hindi bababa sa 90 katao sa North Carolina, South Carolina, Georgia, Florida, Tennessee at Virginia, ayon mga ulat.

Kaugnay nito ay nangangamba ang mga opisyal na marami pang bangkay ang matutuklasan sa mga isinasagawang search and rescue at clearing operations.

--Ads--

Ang mga pagtatantya ng pinsala ay nasa $15 bilyon hanggang higit sa $100 bilyon, ayon sa mga insurers at forecaster noong nakalipas na linggo, dahil apektado ang mga sistema ng tubig, komunikasyon at kritikal ang mga ruta ng transportasyon.