Hindi bababa sa 50 Palestinian sa northern Gaza ang nasawi sa serye ng air strikes mula Israel.
Batay sa report ng isang Indonesian hospital, 22 mga bata at 15 kababaihan ang kabilang sa mga nasawi matapos tamaan ang mga kabahayan at refugee camp sa bayan ng Jabalia.
Tinitignan na rin ng Israeli military ang mg report na ito.
--Ads--
Binalaan na nila ang mga residente sa nasabing bayan at kalapit lugar nito na lumikas na matapos maglunsad ng rockets patungong Israel ang isang aramadong grupo ng mga Palestinian.
Hinihikayat naman ng humanitarian affairs chief ng UN ang miyembro ng UN Security Council na magsagawa na ng aksyon upang mapigilan ang genocide sa Gaza.