DAGUPAN CITY – Hindi bababa sa 38 tao ang nasawi sa US airstrikes sa isang oil port sa kanlurang bahagi ng Yemen.

Ito ay itinuturin na isa sa pinaka-mapanganib na araw mula nang pinalakas ng Estados Unidos ang kanilang aerial military campaign laban sa grupong sinusuportahan ng Iran sa mga nakaraang linggo.

Sinabi ng US Central Command na ang mga pag-atake sa Ras Isa fuel port sa lalawigan ng Hodeidah ay naglalayon na putulin ang kita ng mga Houthi, idinagdag na ang port ay ginamit bilang source ng iligal na kita para sa grupo.

--Ads--

Iniulat ng Al-Masirah na lahat ng nasawi ay mga manggagawa sa port at ang mga pag-atake ay nakasugat din sa 102 tao, ayon sa regional office ng health ministry ng mga Houthi.

Makikita sa video na ipinalabas sa Al-Masirah na ng mga biktima ay maraming paso sa kanilang katawan habang gnagamot sa isang ospital.

Samantala, patuloy naman ang Houthis sa paglulunsad ng mga ballistic missiles sa Israel.