BOMBO RADYO DAGUPAN – Nasawi ang hindi bababa sa 23 trabahador ng isang pagawaan ng paputok sa Suphan Buri sa Thailand nang ito ay sumabog bandang alas tres ng hapon noong ika-17 ng Enero ngayon taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rinse Galupo, Bombo International News Correspondent sa bansang Thailand, sa kasalukuyan ay hindi pa malaman ng mga kaanak ang pagkakakilanlan ng mga nasawi dahil sa malubhang kaswalidad na iniwanin ng insidente.
Nag utos naman agad ng mabilisang imbestigasyon si Thailand Prime Minister Srettha Thavisin upang matukoy din kung ang nasabing pagawaan ay legal na nag oopera.
Samantala, ito naman ang pinakamalaking pagsabog na nangyari sa kasaluukyang taon sa nasabing bansa, kaya naman ay ikinaalarma din ito ng mga awtoridad.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon at pagtukoy din sa kabuoang danyos mula sa insidente.
Gayunpaman, hindi na ito ikinabahala pa ng mga residente sapagkat malayo naman ito sa pamayanan.
Matatandaa naman na kinumpira din ng National chief ng Thailand na nagkaroon na din ng parehong insidente sa parehong pagawaan noong Nobyembre 2022.