Nasawi ang hindi bababa sa 22 mga Palestino nang matamaan ng air strike mula Israel ang isang paaralan sa al-Zaytoun, sa syudad ng Gaza. Ayon sa Hamas-run health ministry sa Gaza, karamihan sa mga ito ay mga babae at bata.
Ang paaralan ay nagsara dahil sa giyera at ginamit na lamang itong tirahan ng mga lumikas.
Ayon naman sa Israel Defense Forces, na kanilang inatake ay isang Hamas command centre na kung saan umano nagpaplano ang mga militante ng kanilang pag-atake.
--Ads--
Itinanggi naman ng Hamas ang paggamit ng mga paaralan at ilang mga civilian sites para sa kanilang militar.
Sinabi pa ng health ministry na 4 sa kanilang mga manggagawa ay nasawi at 6 naman ang sugatan nang atakihin din ng Israel ang kanilang warehouse sa Musabah, southern Gaza.