BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 18 katao ang nasawi sa central Syria matapos maglunsad ng air strikes ang Israel sa ilan sa mga military sites.

Ayon naman sa UK-based monitoring group na 26 katao ang nasawi at kabilang na sa mga target ng air strike ay ang scientific research centre na ginagamit para sa pagdevelop ng mga armas.

Sinabi naman ni Syrian Health Minsiter Hassan al-Ghabbash na umabot sa 37 katao ang sugatan sa Masyaf, sa probinsya ng Hama.

--Ads--

Kinokondena ng Syria ang nasabing pag-atake habang tinatawag naman ng Iran na isa itong “criminal attack.”