BOMBO DAGUPAN – Hindi bababa sa 17 mag-aaral ang nasawi matapos masunog ang isang paaralan sa gitnang Kenya nitong Huwebes ng gabi, ayon sa pulisya.
May mga pangamba na maaaring tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil higit sa isang dosenang iba pa ang dinala sa ospital na may matinding paso.
Ang sanhi ng sunog sa Hillside Endarasha Primary sa Nyeri county ay iniimbestigahan ay kasalukuyan pang iniimbestigahan.
Habang isang pangkat naman ng mga imbestigador ang na-deploy sa nasabing paaralan.
Ayon sa Kenya Red Cross na nagbibigay ito ng psychosocial support services sa mga mag-aaral, guro at apektadong pamilya, at nag-set up ng tracing desk sa paaralan.
Matatndaan na taong 2017 ay 10 estudyante ang nasawi sa isang arson attack sa Moi Girls High School sa kabisera ng Nairobi.
Kung saan hindi bababa sa 67 estudyante ang namatay sa Machakos County, timog-silangan ng Nairobi, na itinuturing na isa sa pinakanakamamatay na sunog sa paaralan ng Kenyan na naganap mahigit 20 taon na ang nakalilipas.