BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 14 katao ang nasawi sa Vietnam matapos ang pananalasa ng bagyong Yagi habang nasa 176 naman ang sugatan.
Kabilang sa mga nasawi ay ang 3 miyembro ng isang pamilya na nasawi dahil sa pagguho ng lupa sa bulubundukin ng Hoa Binh province sa northern Vietnam kung saan kabilang ang kanilang bahay sa landslide.
Nagawa naman makaligtas ng padre de pamilya subalit hindi nagawang makatakas sa insidente ang asawa nito at ang kanilang 2 apo.
--Ads--
Kalaunan ay arecover ang labi ng mga ito subalit sa kasamaang palad ay hindi na sila humihinga pa.
Samantala, ang bagyong Yagi naman nag pinakamalakas na bagyong nanalasa sa buong Asia ngayon taon.