Apat na ang nasawi sa east coast ng St. Lucie sa Florida dahil sa buhawi. Habang 2 sa St. Petersburg at 3 naman ang nasawi sa Volusia County dahil sa pananalasa ng Hurricane Milton.

Higit 100 na mga residente ang nailigtas mula sa isang assisted living facility sa Tampa.

Gumagamit naman ang mga otoridad ng mga amphibious equipment upang iligtas ang mga residente. Ito ay dahil sa abot baywang na ang lalim ng tubig baha sa labas ng nasabing pasilidad.

--Ads--

Nagdala naman ng napakalakas na mga hangin, delekadong storm surge at pagbaha sa Florida ang Hurricane Milton partikular na sa Tampa Bay, St. Petersburg, Sarasota, at Fort Myters matapos nitong maglandfall sa Gulf coast bilang category 3 storm.

Ito ay may lakas ng hangin na umaab ot ng 120 mph nang manalasa ito sa Siesta Key sa timog ng Tampa Bay region.

Humina naman ito sa Category 1 kahapon habang patuloy ang pagkilod sa Florida.