Nasamsam ng pulisya ang bulto-bultong pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa halagang kaLahating milyong piso mula sa isang apartment ng tulak sa ikinasang buy-bust operation, sa bayan ng Mangaldan.

Ayon kay Rechie Camacho ang siyang Provincial Director ng Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan sa isinagawang buy bust operation kasama ang Managldan PNP ay matagumpay na naaresto ang kinilalang supsek na si Jhasper Base Dalan residente mula pa sa Bulacan at nangungupahan sa isang bahay sa barangay Anolid sa naturang bayan.

Kumpiskado umano sa supek ang kilo-kilong pinatuyong marijuana, kabilang na rin ang kalahating litro ng marijuana oil na may halagang P110,000.

--Ads--

At namataan din sa kaniyang apartment ang isang grenhouse kung saan ilang mga tanim ng marijuana.

TINIG NI RECHIE CAMACHO

Aniya maiuturing umanong isang high value target ang nasambit na supek kung saan ito ay nagsasagawa ng mga transaksyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng courier service.

Napag-alaman na modus ng suspek na magbenta ng mushrooms, ngunit nakalagay sa loob ang balot ng marijuana.

Sa ngayon ay puspusan na ang ginagawang imbestigasyon sa mga taong maaring may kaugnayan sa suspek.