Dagupan City – Naserbisyuhan ng libreng checkup ang higit sa 520 indibidwal sa bayan ng Mangaldan.
Kabilang na rito ang libreng bunot ng ngipin, at pang araw araw na bitamina, at reading glasses.
Ang aktibidad ay sa ilalim ng programa ni 4th Dist. Representative Cong. Christopher de Venecia sa pakikipagugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan.
Pinangunahan naman ito ni Mangaldan Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, kayuwang ang Punong Barangay ng Maasin na si Florida Abalos, ilang barangay kagawad, tanod at Sangguniang Kabataan (SK) councils na siyang umantabay sa kalinisan ng lugar, kaayusan at pila mga residente.
Aktibo namang nakipagtukungan ang mga Barangay Health Workers (BHW) sa pagkuha ng basic information ng mga magpapacheck up at high blood pressure (BP).
Serbisyong pangkalusugan matagumpay na isinagawa sa bayan ng Mangaldan