Umabot sa hindi bababa sa 23 katao, kabilang ang apat na bata, ang nasawi habang marami pa ang nasugatan sa isa sa pinakamalalang pag-atake ng Russia sa kabisera ng Ukraine mula pa noong Hulyo.
Ito umanbo ang kinumpirma ng militar ng Ukraine, kung saan ay gumamit ang Russia ng halos 600 drones at mahigit 30 ballistic at cruise missiles sa pag-atake ang pinakamalawak ngayong buwan.
Dahil dito, nagpahayag ng matinding pagkabahala si European Commission President Ursula von der Leyen matapos ang pag-atake ng Russia sa kabisera ng Ukraine mula pa noong Hulyo.
Dalawang misyel ang tumama sa layong 50 metro mula sa tanggapan ng European Union sa Kyiv, sa loob lamang ng 20 segundo, ayon sa ulat. Nasira ang opisina ng EU delegation, bagama’t walang naiulat na nasawi sa hanay ng mga diplomat.
Tinawag ni von der Leyen ang insidente bilang “pinakamalupit na pag-atake” sa Kyiv sa mga nakaraang buwan, at nanawagan ng mas matibay na suporta para sa Ukraine sa gitna ng patuloy na agresyon ng Russia.