Nahaharap sa mga banta ng pagbaha at pagguho ng lupa ang mahigit 17,000 barangay sa bansa.

Kugnay nito, inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng preventive measures bago pa man lumala ang sitwasyon partikular na sa mga komunidad na natukoy na bulnerable sa mga pagbaha at pagguho ng lupa para maprotekatahan ang mga buhay at matiyak na naisasagawa nang walang pagkaantala ang emergency response operations.

Inatasan din ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng pre-disaster risk assessments saklaw ang iba’t ibang hydrometeorological hazards gaya ng baha, landslide, debris flow at malalakas na hangin.

--Ads--

Inatasan din ang mga ito na magpatupad ng preemptive o mandatory evacuations sa mga paulit-ulit na naapektuhang komunidad kapag kinakailangan kasabay ng pagtiyak na mayroong maaasahang power at operation generators sa evacuation centers at health facilities.

Hinihikayat naman ang mga residente sa mga lugar na may mababang panganib ng landslide na obserbahan ang warning signs gaya ng biglaang pagbabago sa daloy ng tubig o malinis na tubig na nagiging maputik.

Ayon sa Department of Environment and Natural Reosurces-Mines and Geosciences Bureau, valid hanggang bukas, Agosto 19 ang mga listahan ng mga barangay na nasa banta ng baha at landslide.