Dagupan City – Iginawad na sa mga residente sa bayan ng Mangaldan ang kabuuang P 95,000 insurance claims mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa mga pamilya ng tatlong yumaong magsasaka sa bayan.
Pinangunahan naman ito ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno katuwang ang Municipal Agriculture Office.
Kung saan tumanggap umano si Rey Aquino ng Barangay Inlambo ng P40,000 sa death benefits at P 10,000 crop insurance para sa kanyang yumaong amang si Cipriano Aquino.
Habang si Rebhen Tandingan mula sa Barangay Malabago naman ay nakatanggap ng P35,000 mula sa kanyang yumaong ina na si Romana
Tandingan, habang si Rodel Francisco mula sa Barangay Alitaya ay nakatanggap ng P10,000 crop insurance para sa kanyang yumaong ina na si Rosario Francisco.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, hindi nakapag-renew si Rosario ng kanyang life insurance, kaya’t ang crop insurance lang ang aktibo, na nagresulta sa mas maliit na halaga. Hinihimok ni Mayor Bona ang mga magsasaka sa Mangaldan na magparehistro sa PCIC upang mas marami silang makuhang benepisyo mula sa gobyerno. (Justine Ramos)