Mga kabombo! Isa ka rin ba sa mga may night life ngunit hirap makapasok sa trabaho kinabukasan dahil sa hang-over? O kaya isa ka rin ba sa mga apektado sa mga ganap ng inyong celebrity idol at feeling mo ay kailangan mo ng me-time para maka-get over?

Baka mainggit ka sa isang kumpanya sa Japan dahil nagbibigay sila ng sick leave para sa mga empleyadong nakararanas ng mga nabanggit na sitwasyon.

Ang isang tech company sa Osaka, Japan ang ginagamit ito upang makahikayat ng mga young applicants at maresolba ang kanilang kinakaharap na kakulangan na mga aplikante sa job market.

--Ads--

Ayon kay Daigaku Shimada, ang presidente ng naturang tech company, layunin ng kanilang kakaibang leave benefits ang mapataas ang competitiveness ng kanilang kumpanya.

Bagaman tanging naaalok nila sa mga bagong empleyado ay ang 222,000 yen na monthly salary o may katumbas na P85,000, karagdagan pa ang overtime pay para sa 20hours overtime, ay naging effective ang mga benepisyong nabanggit.

Ayon sa mga empleyado, labis nilang nagustuhan ang pagkakaroon ng ‘hangover leave’ upang magkaroon ng sapat na tulog at pahinga matapos ang naparaming pag-inom ng alak.

Gayundin sa ‘celebrity loss leave’ upang magluksa kung sakaling may mga anunsyo sa kanilang idol celebrities na hindi nila nagustuhan.

Sa nakalipas na mga taon ay bumaba ang workforce sa Japan kung saan nanatili sa 3% ang naitatalang unemployment rate at halos 60% naman sa mga small- and medium-sized businesses dahil sa labor shortages na kanilang kinakaharap.