DAGUPAN CITY- Patuloy na ipinapatupad nang mahigpit ng Lingayen Police Station ang isinasagawang COMELEC checkpoint sa kanilang bayan bilang pagptitiyak na magiging maayos at mapayapa ang nalalapit na halalan sa Mayo.

Ayon kay PLT. COL. Amor Mio Somine, ang COP ng Lingayen PNP, regular ang kanilang isinasagawang pagmomonitor at pagbabantay sa mga pangunahing kakalsadahan sa kanilang bayan kung saan mas lalong pinaigting ngayong election period.

Aniya, nagdagdag na rin sila ng mga nagpapatrolya sa kanilang bayan at sa ngayon ay nanatiling mapayapan ang kanilang lugar at wala pa naming naitatalang insidenteng kaugnay sa eleksyon.

--Ads--

Umaasa naman ito na hanggang matapos ang eleksyon ay maayos at mapayapa ang bayan ng Lingayen.