DAGUPAN CITY- Maaaring maging implekasyon ang sobrang paglalagas ng buhok sa isang mas malalang sakit na posibleng iniinda ng isang pasyente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Doc. Wilsky Delfin, Naturopathic Doctor/ Herbalist/ Natural Spine Alignment Specialist, kailangang magpakunsulta sa doktor upang makita ang dahilan ng sakit at hindi na lumala pa.

Aniya, may mga kaso ring maaaring mamana ang ganitong kondisyon.

--Ads--

Isa rin sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong kondisyon ay dahil sa kemikal na nilalagay sa ulo, mga iniinom na gamot at hormonal imbalance.

Kailangan rin aniyang mag-ingat sa mga binibiling gamot at mga pinapahid dahil maaaring lumala ang iniindang karamdaman.

Dagdag niya, may mga natural na pamamaraan tulad ng paggamit ng castor oil at aloe vera upang maiwasan ito.