BOMBO DAGUPAN- Umabot na sa hindi bababa sa 4 ang idineklarang nasawi dulot ng Bagyong Shanshan o Typhoon no. 10 sa Japan, at dalawa naman ang tinakbo sa emergency room habang hindi naman bababa sa 80 ang sugatan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa bansang Japan, isa ito sa malakas na bagyong naranasan ng Japan sa kanilang kasaysayan.

Aniya, naging malawak na ang epekto ng hagupit ng bagyo bago pa ito maglandfall sa Kyushu.

--Ads--

Dakong Alas 2 ng hapon kahapon, oras sa Japan, nang ganap na itong naglandfall sa nasabing kalupaan.

Aniya, dahil sa malalakas na pagbugso ng hangin ay marami na ang mga istraktura ang napinsala. Gumuho naman ang isang bahay dahil naman sa malakas na pag-ulan.

Binaha naman ang mga agrikultura sa Japan, partikular na ang mga palayan.

Nagkaroon naman ng power outages sa 5 rehiyon sanhi lamang ng malakas na hangin.

Inasahan na umano ng Japan Meterological Agency ang maaaring lakas nito, inilabas na noong Agosto 20, martes, ang Alert Level 5 at inabisuhang lumikas na ang halos 4-million na mga tao.

Kaugnay nito, kinokonsiderang “rare” an paglabas ng Alert level 5 dahil katumbas nito ang Signal no.5 sa Pilipinas.

Dahil dito, bago pa maglandfall ang bagyo ay agad na din kinansela ang mga flights

Ayon pa kay Galvez, kinokonsiderang ‘major disaster’ ang bagyong Shanshan dahil sa lakas ng hangin pa lang nito ay nagkaroon na ng power outage sa 5 rehiyon.

Samantala, patuloy ang pakikipag koordinasyon ng mga otoridad sa Japan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.