Dagupan City – Suportado ng Samahang Industriya ng Agrikuktura o SINAG ang pagbebenta ng P20 kada kilo na bigas hanggang 2028.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So – Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikuktura, sinabi nito na maganda umano ang nakikitang direksyon sa inisyatiba dahil mas marami ang target benefeciaries na matutulungan.
Kung saan nasa tinatayang P13 hanggang P15 ang isasubsidize ng pamahalaan.
Umaasa din si So na magtatagumpay ang programa para sa kapakanan ng mga magsasaka. Dahil aniya, isa sa ikinaganda ng proyekto ay ang Tarriff Collected na mapupunta naman sa sektor ng magsasaka.
Maisasakatuparan naman aniya ito sa target plan hanggang sa katapusan ng termino ng pangulo o sa taong 2028, hangga’t mayroon ding naka-allocate na budget para sa proyekto sa susunod na taon.
Sa kabila naman ng inisyatiba na gagawing P20 pesos kada kilo ng bigas hanggang 2028 kung saan ay napagpasyahan na sa Visayas ipatupad ang pilot implementation ng programa dahil dito maraming mas nangangailangan ng murang bigas.
At sa kabuuan ay mayroong 358,000 toneladang bigas ang kanilang nasa ibat ibang warehouses, na kailangan na rin aniyang maipalabas dahil panahon ngayon ng anihan. Nanindigan si So na dapat ay hindi mapunta sa mga magsasaka ang panggigipit at manatiling bilhin ang mga palay sa tama at dating presyo nito.
Hinggil naman sa patubig sa mga magsasaka, sinabi ni So na sapat naman ang patubig salalawigan ng Pangasinan at sa katunayan ang tubig ng San Roque ay sapat ngayon kung ikukumpara sa nakaraang taon