Dagupan City – Hindi nawawala ang pag-asa sa ilang mga grupo ng tsuper gaya na lamang ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na kakatigan umano ng Korte Suprema ang kanilang petisyon hinggil sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVM).

Ito’y matapos na nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. kahapon (July 22,2024). Kung saan sinabi ni PISTON National President Ka Mody Floranda na hinihintay pa rin nila kung maglalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema.

Sakali kasi aniyang maglabas ang Temporary Restraining Order ay malaking tulong ito para sa mga tsuper na hindi na makabiyahe dahil walang prangkisa.

--Ads--

Ayon kay Floranda, sa ngayon ay nakakabiyahe pa rin naman ang ilan sa kanila lalo na sa mga lugar na mababa ang bilang ng mga nagpa-consolidate.

Matatandaan na inihain ang petisyon laban sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang ihinto ang implementasyon ng programa.