Dagupan City – Nanindigan ang grupong PISTON na maling pilitin ang mga operators na sumailalim sa PUV Consolidation.

Ayon kay Mody Floranda, National President ng grupong PISTON, maituturing ang ginagawang aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTRFB at Department of Transportaion o DOTr na paglabag sa karapatan ng bawa’t tsuper.

Aniya, malinaw din kasi na base na rin na rin sa inilalabas na datos ng mga deparamento ay hindi nagtutugma ang bilang ng mga sumailalim sa PUV Modernization program.

--Ads--

Kung tutuusin kasi aniya, dito pa lamang sa NCR na may 37 routa ay marami pa rin ang pumapasadang traditional jeepney, malayo sa sinasabing datos ng mga departamento na halos sumailalim na ang mga operators dito sa naturang programa.

Samantala, mariin naman nitong kinokondena ang nasabing panukala dahil malinaw na mga commuters at operators lamang ang nagdudusa.