DAGUPAN CITY– Naniniwala ang isang constitutional lawyer sa Pangasinan na hindi magtatagumpay ang grupong nagsusulong sa ‘revolutionary government.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer sa lalawigan sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, hindi dapat seryosohin ang nasabing usapin dahil hindi ito magiging legal.

Para sa kanya ay isang nakakatakot na hakbang ang kanilang ginawa dahil wala silang suporta mula sa militar at pulisya sa pagtutulak sa isang revolutionary government.

--Ads--

Dagdag pa niya na imposibleng mabago pa ang Philippine constitution. Kahit marami pang makalap na lagda ay hindi agad mababago ang konstitusyon dahil maraming dadaanang proseso.

Sa kasalukuyan, marapat na respetuhin ang konstitusyon at hintayin na lamang ang 2022 kung sino ang papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional lawyer

Para sa kanya ay hindi dapat hayaan na ituloy ng grupong nagsusulong sa ‘revolutionary government’ sa pagtatangka nilang palitan ang sistema ng pamahalaan.

Ayon kay atty.Cera, magkakagulo lamang sa bansa kapag pinagpilitan ng mga taong nasa likod ng revgov movement ang kanilang hakbang.

Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional lawyer

Maari aniya silang arestuhin at sampahan ng crime of rebellion kapag gumamit sila ng dahas.