Ibinunyag ni Fernando Hicag, chairman ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas na nakararanas pa rin ng ‘harrasment’ mula sa mga Tsino ang mga mangingisdang Pinoy na nais lumapit sa Scarborough o Panatag Shoal.

Ito mismo ang kinompirma sa Bombo Radyo Dagupan ni Fernando Hicag, chairman ng nabanggit na grupo.

Ayon kay Hicag, ilang taon na ang lumipas simula ng pumutok ang isyu ng agawan sa West Philippine Sea ng bansang China at Pilipinas ngunit hanggang sa ngayon ay tila wala pa ring maayos at konkretong kasunduan dito.

--Ads--

Aniya, hindi pa rin kasi umano makakilos at makapangisda ng malaya ang mga ‘local fishermen’ lalo na sa may bahagi ng Zambales dahil mahigpit umano ang ginagawang monitoring sa kanila ng mga dayuhan.

Ayon kay Hicag, walo ang kabuuang bilang ng mga chinese coastguard na nagbabantay sa naturang karagatan at regular aniya ang kanilang isinasagawang roving. Pinipigilan at pinagkakaitan umano ng mga ito ang mga mangingisdang pinoy na makapangisda lalo na sa bunganga ng ‘lagoon’ ng Scarborough.

Sa katunayan pa nga ayon kay Hicag, mismong ang myembro ng kanilang grupo ang nagkwento at nagdetalye ng kanyang personal na karanasan sa mga dayuhang tsino na agad umanong sumasalubong sa kanila at nagpapaalala na pagmamay ari ng China at hindi ng Pilipinas ang naturang karagatan.

Fernando Hicag, chairman ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas