Dagupan City – Sa pamamagitan ng ground breaking ceremony ay hudyat na rin ng pagsisimula sa konstruksyon ng JNS Aquaculture Complex sa bayan ng urbiztondo.

Ang seremonya ay pinangunahan ng alcalde ng bayan kasama ang mag-asawang Noel at Jeany Sapiera kung saan ginanap sa Brgy. Bayaos, na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, at iba pang mga partner agencies ng programa

Samanatla, Inaasahan na ang proyektong ito ay magpapalago sa industriya ng turismo at magbibigay ng oportunidad ng pagkakakitaan sa mga residente ng Urbiztondo. Ang pasilidad ay magkakaroon ng restaurant at hotel, na magiging sentro ng atraksiyon para sa mga turista.

--Ads--