DAGUPAN CITY- Matagumpay na isinagawa ng lokal ng pamahalaan ng Lungsod ng Dagupan ang groundbreaking ceremony para sa ipapatayong 2-storey ng Gen. Douglas MacArthur Landing Museum sa may Bonuan Blue Beach sa nasabing lungsod.
Pinangunahan naman nito ng mga opisyal ng nasabing lungsod at binisita rin ng ilang mga matataas na opisyal.
Ayon kay Architect Julius Gaceta, opisyal na in-charge sa itinatayong proyekto, nasa P60M ang ilalaang budget para sa unang phase sa pagpapatayo nito.
--Ads--
Dinaluhan din mga mag-aaral at ilang mga guro ng Social Studies at History ang nasabing seremonya.