Ligtas na nailikas ang 18 hiker matapos masunog ang damuhan sa Mt. Kabunian, Bakun, Benguet noong Huwebes Santo, Abril 2, 2026.

‘Walang naiulat na nasaktan, at ayon sa paunang imbestigasyon, ang matinding init ng panahon ang sanhi ng sunog. Bilang tugon, pansamantalang ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ang lahat ng hiking at trekking sa bundok upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista.

Ayon sa Bakun Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), 11 turista at dalawang tour guide ang nasa tuktok ng bundok nang sumiklab ang apoy, habang pitong turista at isang guide naman ang na-stranded sa Station 12 sa paanan ng bundok.

--Ads--

Agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection, lokal na pulis, mga opisyal ng barangay, at tour guides. Narescue at nailikas ang pitong hikers mula sa Station 12 papuntang barangay hall bandang alas-2:45 ng madaling araw noong Biyernes Santo, Abril 3.

Habang ang 11 hikers sa tuktok ay nailikas naman sa pamamagitan ng pagdaan sa ibang ruta sa Bulisay, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Samantala, nagkaroon din ng wildfire sa Mt. Lamesang Bato na tumagal ng limang oras ang sunog at umabot sa first alarm bago tuluyang naapula. ‘Walang naiulat na pinsala sa insidenteng ito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang sanhi ng mga sunog at malaman ang lawak ng pinsala sa mga apektadong lugar.