Mahalagang malaman ang tamang pagprepara ng lupa gayundin ang pakain sa mga alagang isda.

Yan ang inihayag ni Joey De Leon Member, Samahan ng mga magbabangus sa Pangasinan (SAMAPA) hinggil naman sa pagsasagawa ng kanilang grupo kasam ang BFAR ng isang forum o seminar upang magbigay kaalam ukol fish farming o ang tinatawag na good aquaculture.

Aniya na ang mga ganitong pagtitipon ay nagbibigay daan upang masagot ang mga katanungan ng mga fish farmers gayundin upang may mapagsabihan sila ng kanilang problema sa pag-aalaga ng bangus.

--Ads--

Dahil dito ay unti-unti ng naririnig ang kanilang panig kaya’t umaasa siya na sa susunod nilang pagtitipon ay mas marami na ang makilahok.

Samantala, hinggil naman sa mga problemang kinakaharap ng mga bangus growers aniya na ang mga pinagdadaanan ng mga ito ay nakadepende sa area o sitwasyon ng tubig.

Sa ibang palaisdaan kapag sobrang init ng panahon at biglang umulan sa hapon ay makakaapekto ito sa mga alagang isda.

Kaya’t mas lalo nilang pinagbubuti ang pag-anyaya at malaman ng nakararami ang good aquaculture practice.