Dagupan City – Dalawang epekto ang nakikita ngayon ng isang Political Analsyt sa nangyaring assassination kay dating US President Donald Trump.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Froi Calilung, Political Analyst may dalawang posibilidad na maaring bagsakan ng pangyayari.
Isa na nga rito ay ang victory o positibong epekto, kung saan ay napupunta ngayon ang simpatya ng mga botante kay Trump at nabibigyang diin ang kaniyang kalabang partido.
Bagama’t lumalabas sa imbistigasyon na walang kinalaman si US President Joe Biden, ay hindi naman maiiwasan aniya na maidiin ito sa pangyayari.
Sa kabilang banda naman, sinabi ni Calilung na kapag napag-alaman na may kinalaman si Trump bago pa man mangyari ang insidente ay maaring ikasira niya ito.
Samanatala, patunay lamang aniya ito na malaks at mainit ang giriian ng eleksyon sa bansa, dahil kung titignan ay dalawa lamang ang kandidato ngunit nagiging agresibo ang eleksyon.
Kaugnay nito, isa aniya itong hamon ngayon sa Estados Unidos na panatilihin ang seguridad ng mga Election Candidate, dahil si Trump na nga na kilala ay nabiktima pa ng ganitong klaseng insidente ano pa kaya ang ordinaryong mamamayan.
Pinaalalahan naman niya ang mga botante na maging vigilante sa desisyon dahil ang pulitika ay pulitika at panatilihin ang seguridad sa bansa.
Cellphone ng bumaril kay US Ex-Pres Trump, hawak na ng kapulisan; Pulis na sumunod sa suspek, iniimbistigahan na