Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kung makatanggap ka ng imbitasyon sa kasal.
Unang rekasyon, ma-excite!

Ngunit paano kung malaman mong ang purpose pala kaya ka inimbitahan ay para lamang mag-babysit?
Sa social media post kamakailan, inimbitahan ang misis kasama ang kaniyang mister sa isang kasalan.

Nang buksan niya ang invitation card, mula sa sobre ay may nahulog mula roon na maliit na index card. At doon na nga nakasulat ang letrang naglalaman na imbitado ang mga ito sa wedding at maging sa reception—pero siya ay may kakaibang role at ito ay ang mag-babysit?

--Ads--

Ayon pa sa ulat, may espesyal na lugar sa simbahan para sa mga bata na anak ng iba pang mga imbitado, at doon umano siya pinapupuwesto ng mga ikakasal para pansamantalang maging yaya ng mga bata.

Ngunit there’s more, dahil bukod naman sa pagiging yaya sa araw ng kasal, sa note ay ipinaalala rin sa kanilang mag-asawa ng mga ikakasal na kailangan nilang magbayad ng tig-US$100o katumbas ng P5,833.85 para sa kanilang meal. Ibig sabihin, gagastos silang mag-asawa ng US$200 o P 11,667.70 kung pupunta sila sa reception.