Dagupan City — Inamin ng aktor na si Gary Estrada na naging stalker siya noon ni Dina Bonnevie.

Sa isang morning show natanong si Gary kung sino ang award-winning actress na mas matanda sa kanya na ini-stalk niya noon dahil tinamaan siya nang husto rito. Natatawang pag-amin naman niya na si Dina Bonnevie at sinabing alam naman daw ng lahat iyon.

Binanggit pa niyang nagkasama sila ni Dina sa isang pelikula noon na originally ay hindi naman dapat siya ang leading man. Buong pasasalamat na lamang niya na pumayag daw si Dina na gawin parin ang pelikula.

--Ads--

Hindi naman binanggit ni Gary kung ginawa niya ang pelikula bago o pagkatapos siyang maging stalker ng aktres.

Samantala, nauna nang ikinuwento ni Dina ang ginawang pang-i-stalk sa kanya noon ni Gary sa isang interview kasama naman ang aktres na si Snooky Serna.