BOMBO DAGUPAN – Tinalakay ang kahalagahan ng mga magulang sa buhay ng kanilang mga anak sa isinagawang programa patungkol sa Parents Effectiveness Service sa bayan ng Calasiao sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang joint program and seminar na ito ay sa pakikipag-ugnyan ng tatlong brgy. sa nasabing bayan kagaya ng brgy. Nalsian, brgy. Poblacion East at brgy. Poblacion West Child Development Center.

Naging matagumpay ang kanilang programa sa tulong ng kanilang tagapagsalita na si Edita Gorospe na Registered Social Worker ng Municipal Social Welfare ang Development Office.

--Ads--

Dito ay nagbigay siya ng mensahe tungkol sa mas maayos at mas epektibong pagiging magulang.

Binigyang linaw dito na hindi lamang ito para sa loob ng kanilang bayan kundi rin sa kanilang komunidad.

Mahalaga ang ganitong klaseng programa upang maisagawa ng maayos ang pagpapalaki at paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak, nang maidala nila ito sa kanilang paglaki.