DAGUPAN CITY- Naglabas ang France ng rekord-breaking na dami ng heat alerts habang patuloy na nakararanas ng matinding init ang bansa at iba pang bahagi ng southern at eastern Europe.

Sa 96 na rehiyon sa mainland France, 84 ang nasa ilalim ng orange alert, ang ikalawang pinakamataas na babala sa bansa.

Tinawag ito ng Climate Minister ng France na si Agnès Pannier-Runacher bilang isang “walang kaparis” o unprecedented na sitwasyon.

--Ads--

May mga heat warnings din sa iba pang mga bansa tulad ng Spain, Portugal, Italy, Germany, UK, at ilang Balkan countries tulad ng Croatia.

Naitala rin ang pinakamainit na araw ng Hunyo sa Spain at Portugal nitong weekend na umabot sa 46°C sa El Granado, Andalucía, habang 46.6°C naman ang naitala sa Mora, Portugal.

Naglagay ng emergency medical services ang maraming bansa at nagbabala sa mga tao na manatili sa loob ng bahay kung maaari.

Sa France, halos 200 paaralan ang isinara o bahagyang isinara dahil sa matinding init. Tumagal na ng higit isang linggo ang heatwave at inaasahang maaabot ang rurok nito sa kalagitnaan ng linggo.