Tila nagmistulang masakit na balita para sa mga gamers bago ang pagsapit ng Valentine’s Day ang hiwalayang Tenz at Kyedae matapos ang anim na taon na pagsasama.
Inanunsyo ni Valorant Streamer Kyedae sa kaniyang social media, kamakailan lamang, ang mutual decision nilang dalawa ni Former pro Valorant player Tyson “Tenz” Ngo na hiwalayan.
Ayon kay Kyedae, naramdaman nilang hindi na sila nag-grow as partners at kinakailangan nilang maghiwalay muna upang mas maintindihan pa nila ang kani-kanilang sarili.
Aniya, sa dami nilang pinagdaanan at pinagsamahan, partikular na sa kanilang trabaho at libangan, ang anim na taon ay para bang 30 taon na.
Naging mahirap man ang naging desisyon subalit naging malinaw umano para sa kanila ang dahilan kung bakit nila ito kinakailangan.
Pinabulaanan naman ni Kyedae na ang kanilang hiwalayan ay walang bahid ng anumang issue.
Samu’t saring reaksyon naman ng kanilang mga tagahanga dahil isa umano sila sa mga witness ng pagsasama nina Tenz at Kyedae.
Matatandaan naman na 2022 nang magpropose si Tenz kay Kyedae.











