Nabigyan ng pagkakataon na makiisa ang 398 Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa Bureau of Jail Management and Penology Urdaneta District Jail – Male Dormitory, sa lungsod ng Urdaneta sa isinagawang Food for Training activity ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Field Office 1.

Kung saan nilalayon ng aktibidad na ito na maghatid ng tulong at kaalaman sa mga PDL, kabilang ang paghahanda sa sakuna at access sa mga programa at serbisyo para sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Community Based Services Section-Special Concerns Unit at Disaster Response Management Division.

--Ads--

Kung saan may suporta ito mula sa CDRRMO at BFP, na nagbahagi ng kanilang kasanayan sa paghahanda sa sakuna, pag-iwas sa sunog at iba pa.