DAGUPAN, CITY- Nagkaroon ng pagpupulong ang fire safety office at ang pamunuan ng nasunog na factory sa Anyang sa Henan province upang mapag-usapan ang karampatang paalala at pag-iingat upang maiwasan na maulit ang naturang insidente.
Ayon kay Bombo International Correspondent Rodalyn Alejandro, ito ay matapos na mapag-alaman na nagkaroon ng paglabag sa electrical welding protocols ang mga empleyado ng nabanggit na kompanya kaya naman ay nangyari ang insidente.
Aniya, ang nabanggit na factory ay pagawaan ng mga damit at plastic kaya naman mabilis lamang na kumalat ang apoy na siyang sanhi ng pagkasawi ng nasa 38 katao na karamihan dito ay mga kababaihan.
Samantala, nagpadala naman ang agad ang pamahalaan ng nabaggit na bansa ng mga psychologist para sa pamilya ng mga biktima upang matulungan sa kanilang pinagdaraanan matapos ang pagkamatay ng kanilang mga kaanak habang ang mismong pamunuaan na ng factory ang sasagot sa pagpapalibing sa mga labi ng biktima at tulong na rin sa kanilang mga naulila.
Matatandaang naitayo ang naturang pabrika taong 2010.