Dagupan City – Nagsagawa ang Bureau of Fire Protection Region 1 sa pangunguna ni Regional Director CSupt. Leonida G. Rosales ng Fire Prevention Month 2025 Kick off Ceremony dito sa isang mall sa bayan ng Calasiao.

Ang aktibidad ay may temang “pag-iwas ng Sunog di ka nag-iisa”. Dinaluhan naman ito ng mga opisyal at kawani ng BFP Region 1 gaya na laman ng: La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Pangasinan kasama din sa mga nakiisa ay ilang mga partner agency at mga estudyante mula sa iba’t-ibang eskwelahan dito sa Pangasinan.

Naunang isinagawa kaninang umaga ang mga outdoor program gaya ng Streching for Zumba, Color Fun Run, Motorcade ng mga bisikleta, Big bikes, Car Club, Fire Brigades, Private Establishment at Fire Truck.

--Ads--

Sinundan naman ito ng Simulation Exercise na pinangunahan ng BFP Regional Special Rescue Force Unit at Showcase ng BFP Assets gaya ng Civic Parade, Uniform Showcase, at performance ng mga eskwelahang dumalo at panghuli ang fire truck shower.