BOMBO DAGUPAN- ‘Heart-stopping’. Ganito isinilarawan ni Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, ang ipinakita ni EJ Obiena sa Pole Vault upang makapasok ito sa finals, Agosto 5.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, hindi man niya nagawang ma-clear ang dalawang pagsubok sa 5.60 meters subalit nagawa nitong mahigitan ang 5.50 meters at 5.70 meters.
Mataas din ang ekspektasyon kay Obiena dahil pumapangalawa ito sa World Record. Gayunpaman, nakuha niya ang ika-anim pwesto sa qualification round ng group A.
Maliban kay Obiena, kahanga-hanga din aniya ang ipinakita ni Swedish-American Athlete Armand Duplatis dahil sa dalawang pagsubok lamang niya ay sa Pole Vaulting ay nakuha nito ang top rating. Gayundin sa limang atleta na nakapagtala ng perfect scores.
Samantala, dinudumog umano ngayon ang mga iba’t ibang palaro tulad ng athletics at lalo na sa mga ball games. Marami din aniyang nanonood sa event ng gymnastics subalit ito ang isa sa may pinakamahal na ticket.
May mga free events din na bukas sa publiko na manood kabilang na ang swimming event sa Seinne River.
Ayon kay Valdez, nananatiling mahigpit ang seguridad sa mga events sa Paris Olympics 2024. Iniiwasan din kase ang mga scammers ng fake tickets, gayunpaman, mahirap din aniyang magaya ang tickets para sa mga palaro.
Sa kabilang dako, sa panayam naman ng Bombo Radyo Dagupan kay Lucio Sia, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, patuloy pa din binabantayan ang mainit na panahon sa Paris dahil sa maaaring maging epekto pa din nito sa mga atleta at spectators.
Aniya, nagiging balakid sa performance ng mga atleta ang init na panahon na kanilang nararanasan. May mga atleta din aniyang nagrereklamo dahil walang aircondotioner sa ilang event places.
Kaugnay nito, kaniya-kaniyang diskarte naman ang mga manlalaro upang mapawi ang init na kanilang nararamdam kung saan ang ilan umano ay napapadalas ang pagkain ng ice cream.