DAGUPAN CITY – Isa umano si Filipino Cardinal Antonio Luis Tagle, sa maugong na maugong na napipisil na papalit na Santo Papa matapos hindi pa rin nakapili ng papalit na santo papa sa first round ng botohan.
Ayon kay Demetrio Bong Rafanan, Bombo International News Correspondent sa Italy, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, malapit umano si Tagle kay Pope Francis.
Samantala, kapansin pansin na late ang pagpapalabas ng usok sa tsiminea ng Sistine Chapel sa unang araw ng conclave o ang resulta na tumagal ng kulang kulang isang oras at kalahati.
Pero noong nakaraang conclave nang si Pope Francis ang inihalal ay umabot ng halos 26 na oras lamang ang botohan.
Sa kanyang personal na pahayag, maaring nagkaroon umano ng technicalities at marahil dahil mahigpit ang botohan sa mga pagpipilian.
Dagdag pa ni Rafanan na ang inaasahan nila na ang magiging bagong Santo Papa ngayon ay katulad ni Pope Francis na buong pusong ginampanan ang kanyang responsibilidad.