Nabigo si Filipina Tennis Star Alex Eala na patumbahin si Wang Xinyun ng China sa semifinals ng ASB Classics ngayon araw sa Auckland, New Zealand.

Pumabor kay Eala ang 1st set matapos nitong tapusin ang laro sa 7-5 matapos ang 5-1 kalamangan ni Xinyun.

Gayunpaman, hindi nagpatinag si Xinyun sa 2nd set upang maitala ang 5-7 pagbawi.

--Ads--

Pagdating naman sa 3rd set, tinuldukan na ni Xinyun ang pagkakataong pag-arangkada pa ni Eala sa palaro nang tapusin ni Chinese Netter ang laro sa 4-6.

Aabante na si Xinyun sa championship round at makakaharap nito ang magwawagi sa laban nina Elina Svitolina ng Ukraine at Iva Jovic ng USA.