Tila may cryptic post na naman ang ex ng aktor na si Anthony Jennings na si Jam Villanueva.

Ito’y matapos na nag-repost ito ng maikling video tungkol sa pagpapatawad sa sarili ng isang motivational speaker.

Matatandaan na nilabas ni Jam ang palitan nila ng mensahe ng ex niya at ka-loveteam nitong si Maris Racal sa diumano’y panloloko ng dalawa.

--Ads--

Agad naman itong idiniin at pinaniwalaan ng mga netizens na para ito kina Maris at Anthony na pagkatapos ng pag-expose niya ay humingi ng public apology ang dalawa kung saan hati ang naging opinyon ng mga tagahanga nila.

Marami naman ang dumaing sa aksyong ginagawa ni Jam at sinabing hindi pa raw ito tapos at pinayuhan pang mag-move on na siya.

Dapat anila ay tularan nito ang sinabi ni Kathryn Bernardo na dapat muna niyang patawarin ang sarili bago mo mapatawad ang iba. Gaya rin nito ay dapat manahimik na ito sa hiwalayan nila para hindi na rin siya ma-bash. Mukhang nag-backfire rin kasi sa kanya ang ginawa niyang pag-expose sa dalawa at lalo pa nga raw sumisikat si Maris sa ginawa niya.