Napipintong maranasan ng Europa ang matinding init ng panahon, kung saan inaasahang aabot sa 42°C ang temperatura sa ilang bahagi ng kontinente.

Limang rehiyon sa United Kingdom ang isinailalim sa amber heat health alert hanggang Martes, at inaasahang aabot sa 36°C ang temperatura sa ilang bahagi ng bansa.

Ito ay kasabay ng pagkalat ng mga wildfire at pagbaha sa buong kontinente ngayong linggo.

--Ads--

Isinailalim ang Health services sa East Midlands, South East, South West, London, at East of England sa ikalawang pinakamataas na antas ng babala ukol sa init, habang may yellow alert naman sa Yorkshire and Humber, at sa West Midlands.

Noong Hunyo 19, naglabas ng amber alert para sa lahat ng rehiyon sa England, ang unang pagkakataon mula noong Setyembre 2023.

Sa ibang bahagi ng Europa, inaasahang aabot din sa 40s ang temperatura, kabilang ang kabisera ng Portugal na Lisbon, na inaasahang aabot sa 42°C sa Linggo.