Nagsagawa ng refresher course ng Agricultural Training Institute ang Office of the Provincial Veterinarian sa lungsod ng Alaminos upang mapag-aralan ang epekto ng African Swine Fever (ASF).
Nakilahok naman dito ang ilang kawani ng City Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Ronald Abarra, kasama si Assistant Provincial Veterinarian Dr. Jovito Tabajeros at OIC District 1 Veterinarian Dr. Samantha Josephine Licudine, nakasama din dito ang iba’t- ibang veterinarian/ blood collectors ng lokal na pamahalaan sa District 1.
Ito ay kaugnay sa African Swine Fever (ASF) outbreak sa Pilipinas kung saan ito ay ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center sa nabanggit na siyudad.
Tinalakay din sa nabanggit na aktibidad ang pagsasanay sa Biosafety and Biosecurity for field responders, sample collection and handling at practical activity on blood collection na naglalayong pag-aralan ang epekto ng ASF sa bansa.
Kasabay rin nito, ang hands-on training ng blood collection na isinagawa naman sa slaughterhouse ng siyudad.




