DAGUPAN CITY- Makakapal na fishcages.

Ito umano ang lumabas sa pag-aaral nina Dr. Westly Rosario, Former Center Chief National Integrated Fisheries Technology Development Center Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Pangasinan, kasama ang iba pang eksperto noong 2004 sa kanilang pag iimbestiga sa naitatalang mortalidad ng alagang isda sa Western Pangasinan.

Sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, nagdulot ng pagbaba ng dissolve oxygen sa katubigan ang dami ng mga makakapal na fishcages kaya namamatay ang mga alagang isda.

--Ads--

Ito kase umano ang humahadlang sa maayos na daloy ng tubig.

Maliban diyan, nakitaan din nila ng halos 1 talampakan na makakapal na dumi sa ilalim ng pangisdaan.

Subalit, matapos ang 2 dekada, malaking katanungan para kay Dr. Westley kung nabigyan ba ito ng kaayusan.

Ani Rosario, dapat lamang na regular itong sinusuri ng BFAR upang magkaroon agad ng abiso sa maaaring fishkill.

Samantala, binigyan linaw ni Rosario na matatawag nang fishkill ang naturang pangyayari kung malaki ang bilang ng mortalidad.

Maaaring isolated lang din ito at hindi mahalagang malawakan upang maturingang fishkill.

Sinabi din niya na sa ganitong sitwasyon, hindi na maaaring kainin ang isda na lumulutang na sa katubigan. Nagsisimula na kase mabulok ang lamang loob nito.

Sinabi pa ni Dr. Rosario na nakakaapekto din sa mortalidad ng isda ang makulimlim na panahon at sa tuwing nakakaranas ng neap tide.

Nababawasan kase ng produksyon ng dissolved oxygen sa tuwing makulimlim at pag ulan, kaya kakatulong ang high tide at low tide para sa daloy ng tubig.

Nawawalan naman ng mekanikal na pamamaraan para mag-produce ng oxygen sa pangisdaan tuwing neap tide dulot ng lalong pagbaba ng tubig.