Idinaos ngayong araw sa bayan ng alcala ang Elderly Filipino Week para sa mga Senior Citizen sa bayan.
Inorganisa ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCP) ang nasabing kaganapan na sinuportahan ng Local Government Unit (LGU) ng Alcala.
Dinaluhan ito ng ilang mga senior citizens sa 21 barangay sa bayan para makisaya at makiisa sa gawain.
Nagpahayag naman sa kaganapan ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Jojo Callejo sa patuloy na suporta at mga ambag ng mga nakatatanda sa lipunan
Samantala, nagsilbi namang panauhing pandangal at tagapagsalita si Atty. Manuel T. Collado, na nagbahagi ng mga nakaka-inspire na salita ng paghihikayat at pagpapahalaga para sa mga nakatatanda.
Nagpakita ang pagdiriwang ng matatag na ugnayan sa pagitan ng komunidad at ng mga senior citizen nito, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagbibigay-pugay at pagsuporta sa kanila.
Nagsisilbi din jtong paalala ng mga mahalagang aral at karanasan na dala ng mga nakatatanda sa komunidad, na nagpapayaman sa kultura nito at nagbibigay-inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.