BOMBO DAGUPAN – Isang mahalagang hakbang upang malunasan ang Pancreatic cancer ay ang tinatawag nga na early detection kung saan ang mga pasyente na maagang naaagapan ang nasabing sakit ay mas malaki ang tyansa na makasurvive o gumaling.
Ayon kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor & Natural Medicine Advocate sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan na ang unang stage ng pancreatic cancer ay tinatawag na pancreatitis o ang implamasyon ng ating pancreas. Ito nga ay nangyayari kapag ang mga digestive juices o enzymes ay inaatake ang ating pancreas.
Aniya na karaniwang tinatamaan o nagkakaroon ng nasabing sakit ay ang mga naninigarilyo at mahilig uminom ng alak dahilan upang mas mataas ang kanilang tyansa na magkaroon ng pancreatic cancer. Ilan lamang sa mga sintomas nito ay ang pagbabago sa kulay, dalas at consistency sa pagdudumi, kasabay na rin ang madalas na pagsakit ng tiyan at iba pa.
Ang early detection nga ay napakahalaga upang malunasan at magamot itong nasabing sakit dahil kapag ito ay naging metastatic pancreatic cancer na nga, ay nagkaroon ng ng pagkalat ng mga cancer sa ibang organs mula sa ating pancreas.
Kaugnay nito ay pinapaalalahanan nga niya ang lahat na magkaroon ng healthy lifestyle at pamahalaan ang stress ng maayos upang gumaan at bumuti ang ating pakiramdam.