Inilulunsad muli ng Bombo Radyo Philippines the number 1 and most trusted source of news and information ang Dugong Bombo 2025, A Little Pain A Life to Gain, ang pinakamalaking one day bloodletting drive sa bansa.

Gaganapin ang makasaysayang kaganapang ito ng sabay sabay sa Nobyembre 15, 2025 araw ng Sabado sa 25 na pangunahing lugar sa buong bansa kung saan ay may operasyon ang network ng 32 fully digitalized AM at FM station.

Kinikilala bilang pinakamalaking single day blood letting event sa Pilipinas ang Dugong Bombo at isang pinagsanib na pagsisikap na ito na isinasagawa katuwang ang Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated at Philippine Red Cross.

--Ads--

Higit pa sa sa isang kampanya ang Dugong Bombo, A Little Pain A Life to Gain, ay isang panawagan din sa bawat Pilipino na maging bayani.

Sa matagumpay na drive noong nakaraang mga taon tumulong ang Bombo Radyo Philippines na mapunan ang pambansang suplay ng dugo sa pamamagitan ng pag kolekta ng mahigit 2.1 million na CC ng dugo na katumbas ng mahigit 2,000 na litro ng dugo o 550 Gallon, kung ikumpara ay nasa sampung drums ng dugo na makakapagligtas sa mga kababayan natin.

Bagamat umuunlad ang siyensa at teknolohiya, wala pang natutuklasang kapalit ang dugo ng tao bilang patuloy na tumataas ng pangangailangan,ang dugo parin ng tao ang ginagamit para sa mga nangangailangan at napupunan nito sa pamamagitan ng kahalintulad na programa ng Bombo Radyo Philippines.

Sa pamamagitan ng kampanyang ito ginagamit ng Bombo Radyo Philippines ang lawak nitong nationwidereach sa mga local at iba pang lugar na itinataguyod ang presensya at mayroon tayong civic responsibility at compassion.

Kami rin po ay magbibigay ng vitamins sa mga successfull blood donors bukod sa Dugong Bombo Tshirt, hotmeals, snacks at drinks.

Upang makapag parehistro ay maaari kayong makipag ugnayan o bumisita sa pinakamalapit na bombo radyo at Star FM Station. Sumali kayo sa pagsagip ng buhay na hatid ng Dugong Bombo 2025, A Little Pain A Life to Gain.
Basta Radyo Bombo!