Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD Region I sa iba’t ibang local government units sa buong rehiyon uno upang makapagbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Pepito.

Ayon kay Marie Angela S. GopalanRegional Director, DSWD Region I sa kasalukuyan ay limited pa lamang ang naibibigay bagamat ay kumukuha pa ng datos ang iba’t ibang lgu’s.

Habang ang gobernador naman ng lalawigan ng La Union ay nagrequest ng 700 foodpacks kaya’t naibigay na ito sa kanila.

--Ads--

Kaugnay sa mga ibinibigay na food packs ay naglalaman naman ito ng anim na kilo ng bigas, 4 na lata ng meat products, 4 na tuna, 2 sardinas at 5 sachet ng kape at cereal.

Mayroon din silang ibinibigay na sleeping kit na naglalaman naman ng kumot, unan at sleeping kit. Habang ang family kit naman ay naglalaman ng panligo, deamit, underwear, tsinelas at packaging materials.

Bukod dito ay mayroon din silang kitchen kit na naglalaman naman ng kubyertos, baso, plato, panluto at iba pa.

Samantala, nakadepende naman sa mga lgu ang datos ng mga apektado sa kani-kanilang lugar at ang augmentation ay isinasagawa matapos magresponde ng lgu.

Kung saan priority o ang unang binibigyan ng tugon ay ang mga directly affected.

Natutuwa naman ito na sa kasalukuyan ay madami na ang nagpepre-emptive evacuation dahil mas madali ng hikayatin na lumikas ang mga residente kapag mayroong matataas na wind signal.

Sa kabuuan ay mayroong 1889 pamilya ang nagpre-emptive evacuation.

Paalala naman nito sa publiko na palagiang maging alerto at makipag-cooperate, makinig sa mga panukala at abiso ng lgu para sa kaligtasan ng lahat.