BOMBO RADYO DAGUPAN – Tuluyan nang nabuwag ang isang drug den sa isang family compound sa Barangay Buenlag, bayan ng Calasiao matapos ang isang buy bust operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pangasinan kasama ang Calasiao PNP.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rechie Camacho, Provincial Officer ng nasabing ahensya, nagpanggap bilang isang pusher buyer ang isa nilang kasamahan upang makapasok sa nasabing drug den. Aniya, nasaksihan nito ang kanilang target na 2 suspek na mag live in partner sa kanilang transaksyon sa mga parokyano.

Nakumpiska ang 12 pinaghihinalahang shabu na nagkakahalagang higit sa P81,000, iba pang drug paraphernalia, at ang cellphone na ginagamit sa iba pang ilegal na transaksyon.

--Ads--

Aniya, ikinatuwa ng mga kapamilya nila sa compound ang pagkakaaresto sa mga ito dahil nababahala sila sa kanilang kaligtasan dahil sa paglabas pasok ng mga parokyano sa kanilang lugar kahit sa dis oras ng gabi.

Maging ang buong barangay ay ikinatuwa ito dahil isa umano ito sa pinakaproblema ng kanilang komunidad.

Maliban sa 2 suspek, arestado din ang 7 pang drug personalities.

Samantala, lumalabas sa saknilang imbestigasyon na malawak pa ang sakop ng operasyon dahil naging lead sa kasalukuyang kaso ang naging search warrant sa San Miguel, Calasiao.

Dagdag pa ni Camacho, drug-cleared na ang bayan ng Calasiao, gayunpaman, hindi aniya sila magpapakampante dahil mas malaking hamon ang pagpapanatili ng katahimikan sa bayan.